Isang magandang destinasyon ba ang hanap mo? Sigurado ako na ito ay magugustuhan mo. Sa dakong hilagang bahagi ng bansang Pilipinas matatagpuan ang Ilocos. Kilala ito dahil sa kabigha bighaning ganda ng mga tanawin at sa kasaysayan nito. Ito ay nahahati sa dalawang lalawigan. Ang Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Kahit ako na may lahing Ilocano at ilang beses na nakapunta dito noong bata pa ako, hindi ko inaasahan na ang lugar pala na ito'y dinarayo at narito din ang isa sa pinaka magandang destinasyon sa buong mundo. Gusto ko malibot ang mga lugar na dati ay hindi ko lang pinapansin kaya't ginusto ko balikan ang lugar na ito kahit nakailang punta na ako dito. Ito ang iba sa mga destinasyong pumupukaw sa atensyon ng mga tao.
Marcos Museum
Kapurpurawan Rock Formation
Sa lugar na ito sulit ang tagal ng lakad mo. Dahil sa nag gagandahang Rock Formation saan ka man lumingon, sabayan pa ng asul na tubig mula sa dagat na katabi nito pati na din ng napaka lakas at napaka lamig na simoy ng hangin. Siguradong makakalimutan mo ang lahat ng problem at mapapanganga sapagkat ang paligid ay sobrang ganda. At pwede din sumakay sa mga kabayo na narito na nakaabang lamang kung sakaling ika'y pagod na upang ang pag lilibot ay maipag-tuloy. Makikita din dito ang nag lalakihang Bangui Windmills.
Bangui Windmills
Isa ito sa mga pinaka kilala na instraktura sa Ilocos. Ang mga naglalakihang windmills. Itinayo ang mga ito upang sumagap ng hangin na nag mumula sa West Philippine Sea upang gawing suply kuryente na gagamitin ng buong lugar. Kamangha-manghang instraktura, kaylamig na hangin at napakagandang tanawin ng dagat ang sasalubong sainyo pag punta mo kaya hindi kataka-takang ito'y dinarayo.
Sand Dunes
Masasabi ko na ito ang pangalawa sa pinaka magandang destinasyon sa Ilocos. Dahil sa napakagandang kapaligiran at kakaibang karanasan na mararanasan. Dahil minsan lamang tayo makakapunta sa lugar na puro buhangin lamang at pwede din dito mag sand boarding at ang kanilang extreme 4x4 ride kung saan siguradong bibilis ang tibok ng iyong puso sa sobrang extreme ngunit pag hinto ninyo sa isang mataas na lugar kung saan maaaring matanaw ang buong lugar, mga kabundukan sa kalayuan at karagatan, maitatanong mo nalamang sa iyong sarili na (mayroon palang ganito kagandang lugar sa bansa ko).
Calle Crisologo
Ang Calle Crisologo ang pinaka kilala at pinakamagandang lugar sa Ilocos. Mga makalumang disenyong bahay, makalumang mansyon, lumang pamumuhay at magandang kultura. Sa sobrang kamangha-mangha ng paligid, biglang papasok sa iyong isip na parang gusto mo bumalik sa nakaraan at makipamuhay sating mga pambansang bayani dahil sa ganda ng paligid noong panahon nila. At dahil sa napanatiling ganda ng lugar, nasama ito sa 7 Wonders of the World na nag papatunay lamang na isa ito sa pinaka worth it na puntahan sa isang paglalakbay.
Napakaraming magagandang lugar sa bansa natin. Ngunit bakit sa ibang bansa pa ang nais natin? Meron tayong mga pambatong lugar na nakasama sa pinaka magagandang lugar sa buong mundo kaya wala dapat ikahiya sa bansa o sa bayan natin. Be proud! Sabi nga nila "It's more fun in the Philippines"
